Destiny is real! Isa sa mga pinag-uusapan ngayon sa social media ang newly wed couple na nalaman nilang parehong araw silang na-baltized ng parehong pari rin.
Nang makatagpo ang tadhana nila ng mag-asawang si Mr. and Mrs. Marlon and Ken Loyce Panaligan at planong magpakasal, buong akala nila sa buong buhay nila na Nov 4, 2017, ay ang unang araw kung kailan sila nagkita.
Ngunit, nang sinabi ng pari na mali ang kanilang sagot kung kailan sila unang nagkita, nagulat na lamang ang dalawa.
Dito, sinabi ng pari na una silang nagkita noong sila at bininyagan pa lang at sa parehong pari pa ang nagkasal at nagbinyag sa kanila.
Sa ibang kwento naman, real-life soap opera ang viral ngayon sa social media matapos ang kasalan ay nauwi sa isang family reunion sa Suzhou, China.
Ang insidenteng ito ay nangyari matapos nalaman ng nanay ng groom na ang kanyang daughter-in-law ay kanya palang long-lost biological daughter.
Sa report ng China Oriental Daily, nakita ng nanay ng groom ang isang birthmark sa kamay ng bride na kapareho sa birthmark ng kanyang long-lost biological daughter.
Tinanong niya kung adopted ba ang bride sa inakalang magulang nito (bride’s parents). Laking gulat ng parents ng bride dahil walang nakakaalam sa totoong istorya nito.
Inamin ng parents ng bride, 20 taon na ang nakalipas, nakita nila ang bride sa roadside, inalagaan at minahal na parang tunay na nilang anak.
Matapos ang isang kumpirmasyon, tinitigan ng babae ang bride na napaluha at nagyayakapan ang dalawa. Kitang-kita ng nanay ng groom ang kanilang resemblance.
Na-confuse ang bride sa nangyari lalo na ‘yung lalaking pakakasalan niya ay kaniyang kapatid.
Nawala lahat ng confusion ng bride dahil sinabi ng babae na ang groom at bride ay hindi magkakapatid. Sinabi niya na adopted lang ang groom matapos mawala sa kanya ang kanyang anak.
Samu’t saring komento naman ang ipinahayag ng mga netizen sa nag viral na post. Ika ng karamihan, “real-life soap opera talaga ang nangyari.” At nagpapasalamat na hindi magkadugo ang dalawa.
“At least, hindi sila magkadugo kasi ampon din yung lalaki… Ang mahirap yang mga “test tube” babies, na hindi identified mga biological father”, sabi ng isang netizen sa kanyang komento.
“Luckily, the groom is just an adopted son. Relax lang mga beh, ampon ang groom.”
May iba namang mga netizen na nagbigay ng komento at nagtaka na bakit sa araw pa ng kasal nalaman at ito lang ba yung unang pagkikita ng dalawa kasama ang kanilang mga magulang.
“Bakit sa araw ng kasal pa nalaman?” Does it mean, ito ‘yung unang pagkikita?”, tanong ng isang netizen sa kanyang komento.
Nangyari ang umanong kasal base sa kanilang plano at ‘yung nga lang may ‘twists’ na ang anak ng babae ay naging son-in-law niya at ang bride na daughter-in-law sana ay naging tunay na niyang anak.
Panoorin ang buong video dito!