Diego Loyzaga, Nagsinungaling kay Barbie; Ibinulgar na Nakipag-Date sa Ex-PBB Housemate na si Franki Russell

Inamin ngayon ng aktor na si Diego Loyzaga na nagsinungaling siya sa press at sa publiko nang sinabi niya sa publiko na hindi niya kasama si Barbie Imperial sa kanya sa U.S.A dahil wala umanong visa ang aktres.

Matatandaang last December ay lumipad patungong Amerika si Diego at pagkatapos nito ay umugong na nga ang balitang split na sila ni Barbie since naiwan nga sa Pinas ang aktres.

Habang nasa U.S, nagkaroon umano ng online mediacon si Diego para kanyang  pelikula.

Dito, tinanong ang aktor tungkol sa dahilan na bakit hindi niya kasama ang kanyang girlfriend na si Barbie Imperial sa US. 

Sinagot naman ng aktor sa harap ng media ay wala umanong US visa ang kanyang girlfriend na si Barbie Imperial. 

At ngayon, sa recent interview ni Diego sa Monster RX 93.1, sinabi ng aktor na hindi totoo ang kanyang sinabing dahilan.

“That was a lie. No. It wasn’t because she couldn’t get a VISA, and I think, B (Barbie) and I are in good terms already at this point na.

“I can say the real reason why was because December pa lang, we have broken up but we didn’t come out with it until Barbie spoke about it bandang Feb,” pagri-reveal ni Diego.

Isa pang pasabog na rebelasyon ng aktor ay ang kasalukuyang silang 'dating' ng ex-Pinoy Big Brother housemate na si Frankie Russel.

Nakilala umano ng aktor si Franki Russell nang maging guest sila sa Rolling In It game show ni Yassi Pressman. 

Nagkaroon umano sila ng pagkakataon na magkuwentuhan habang nagta-taping  at dito niya nalaman na ang newbie star ay lumaki sa New Zealand.

“So, we got along. We clicked right away. I grew up in Australia, she was my neighboring country coming from New Zealand.

“So, we had so much in common, and so we were talking a lot and we were like, ‘hey you know, we should catch up some time.’ It just so happened that I was going out of town, and we caught up a lot of times before me leaving town and I was like, you know what, I’m gonna take a shot in the dark here even though I said that I wanna stay single,” kuwento ni Diego.

Hindi pa naman daw sila officially a couple, pero nagda-date na umano ang dalawa. 

“Well, you know what, I’m a hypocrite. I said I wanted to focus on myself but I guess these things, you don’t expect it, eh.

“It just really comes along and ever since meeting up with her, hanging out with her, it hasn’t stopped. We really did click so I would definitely say that right now, we’re dating,” pahayag ni Diego.

Source: abante

Post a Comment

Previous Post Next Post