Nagising na lang umano ang biktima na kinilalang si Benjie Villamor. Ang biktima ay nakaranas ng pananakit sa kanyang lalamunan.
Laking pagtataka at kaba naman ang naramdaman ng mga nakabalita, dahil raw sa bibihirang pangyayari na ito at hindi pangkaraniwang pangyayari.
Ayon sa kwento ni Benjie, lasing umano siya nang malunok niya ang kanyang pustiso. Pagkauwi niya galing inuman, nakatulog na lamang siya at doon na aksidente niyang nalunok ang kanyang pustiso.
Tinangka pa ng lalaki na sungkitin ang pustiso sa kanyang lalamunan, ngunit hindi na ito kinaya.
Bahagya naman ng nawala ang kirot kapag lumulunok at hindi na raw gaanong masakit ang lalamunan nito.
Ang kanilang hinala ay bumaba na ang pwesto ng pustiso sa loob ng kanyang tiyan kaya medyo nawala ang kirot sa kanyang lalamunan.
Batay sa panayam kay Dr. Rheuel Bobis, Spokesperson, CHD-Ilocos, delikado na malunok ang isang pustiso at mapunta ito sa bituka.
"Kapag nakalunok kasi ng pustiso mayroon dalawang puwede (itong) puntahan (sa katawan). Unang-una puwede (itong) dumiretso sa tiyan.
So kapag dumiretso sa tiyan, medyo delikado kasi alam naman na ang pustiso ay may matutulis na parte. So maaaring masugat o maaari niyang mabutas ang digestive tract," paliwanag ni Dr. Bobis.
Nakatakdang operahan umano si Benjie, 39 anyos, construction worker, sa isang pagamutan sa Dagupan City upang tanggalin ang nalunok niyang pustiso.
Dahil sa ume-extra lang sa pagco-construction, problema din ngayon ni Benjie ang gastusin sa operasyon at mga gamot na kakailanganin nito hanggang sa kanyang pagpapagaling.
Nagbigay naman ng paalala ang mga eksperto at doktor na siguraduhin umanong tanggalin ang pustiso upang maiwasan ang aksidenteng pagkalunok nito.
Ang pangyayaring ito ay nagpapaalala lamang sa atin na kinakailangan nating mag-ingat sa anumang bagay na ginagawa natin.
Panoorin ang buong video dito!