Sikat na Couple Vlogger, Php 100 Lang Ang Sahod Na Natatanggap Mula sa Kanilang Manager!

Higit na pinag-uusapan ngayon ang nag viral online na couple vlogger na sina Analyn at EXB sa sahod na ibinibigay ng kanilang manager.

Nagulantang ang maraming mga netizen matapos nakita nila ang inupload ng isang netizen na kinilalang si Jovany Aquino Oja.

Kita sa kanyang post di umano ang dalawang vlogger na tila bumalik umano sa pangangalakal sa kabila ng kanilang magandang karera sa vlogging.

Nakilala sina Analyn at EXB sa kanilang mga dugyot serye na video posts.

Ngunit, lingid sa kaalaman ng marami na may manager pala ang couple vlogger na siyang nagpapasahod sa kanya.

At dito na lumabas ang isyu na 100pesos lamang umano ang nakukuha nilang sahod mula sa kanilang manager.

At para matustusan ang kanilang mga pangangailangan, nagtatrabaho pa rin sina Analyn at EXB sa pangangalakal lalo na't buntis pa si Analyn.

Kaya't marami ang naawa sa kanila at samu't saring mga batikos ang natanggap ng kanilang manager mula sa mga netizen.

Samantala, nagbigay na ng paliwanag ang Trends production na siyang may hawak ng couple vlogger.

Itinanggi nila ang paratang na Pho 100.00 lang ang kanilang binibigay bilang sahod ng couppe vlogger. Ayon sa kanilang manager, ang magulang at kapatid di umano ni EXB ang tumatanggap ng kanilang sahod.

Dagdag pa ng manager, baka nakasanayan lang umano nila ang pangangalakal, kaya kinuha nila ito dahil naawa sila sa couple vlogger.

Mariin nilang itinanggi ang paratang ng mga netizen na kumakalat ngayon sa social media at may kasulatan pa umano sila tungkol dito.

Heto ang ilan sa mga naging komento ng mga netizen:

"Sobrang Dami excuse or dahilan nang Manager kawawa talaga mga bata pag ganyan Yung sitwasyon nila halos Ang mga Bata ganyan  madalang sila makakain ng masasarap na pagkain sabik na sabik sila ganyan at mga Bahay katulad ng damnit din  sabihin ayaw talaga mag almusal gusto kape lang tyaka sigarilyo Ang babaw na dahilan sakim ka sabihin mo .. gusto pakinabangan lang Ang mga bata ..tapos kawawa sila ..kapal nang Mukha talaga."

"Hugas kamay na Ang manager lahat may palusot.  Pwede ba un konti na nga lng Ang damit gagawin pa nilang basahan tsk tsk."

"Nasa tamang pag iisip nayan sila hindi naman ata menorde edad yan at karapatan nila na mahawakan ang sahod nila bakit magulang ang nakikinabang nasisira sila sa content nila para lng mag kapera tapos iba makiki nabang may mga pangangailangan din yan sila dhil wala sa kanila yung sahod natural mapipilitan silang mangalakal sarap naman buhay ng magulang nyan at kapatid."

"Sana si Wilbert Tolentino nlng manager Nila Para gumanda ang buhay Nila. At mgkaroon sila NG mGnda ng asal.. Kwawa ang Bata kpag patuloy p din n iyan ang manager Nila.."

Panoorin ang buong video dito!

Post a Comment

Previous Post Next Post