HIgit na pinag-uusapan ngayon sa social media ang mga espekulasyon na umano'y buntis ang aktres na si AJ Raval kay Aljur Abrenica.
Ayon sa isang source, mahirap na umano na magkabalikan sila ni Aljur Abrenica at Kylie Padilla dahil sa isyung pagbubuntis ni AJ Raval.
“Naku, ibig sabihin wala na talagang balikan sila Aljur at Kylie Padilla. Akala pa naman ng lahat puwede pang magkaruon ng ayos ang relasyon ng dalawa dahil sa 2 nilang anak,” sulat pa ni Lolis sa kanyang Instagram.
“How sad para sa dalawang anak nila. Pero pareho naman silang may karapatan humanap ng ligaya kundi na sila magkasundo. We both wish them happiness, more than ever,” dagdag pa niya.
Ayon pa sa isang veteran showbiz scribe, maraming mga netizen ang nalungkot dahil mas pinili umano ni AJ Raval ang pag-ibig kay sa kanyang showbiz career.
“Marami ang nanghihinayang sa Viva sexy star na si AJ Raval dahil inuna nito ang kanyang puso kesa sa magandang takbo ng kanyang showbiz career."
Ngunit, wala pa umanong naging komento ang dalawa ukol sa isyung ito na kalat na ngayon sa social media.
Naging usap-usapan naman ngayon sa social media ang isa sa mga hinahangaang aktres na si AJ Raval dahil sa kanyang pagkakaugnay umano sa isang aktor na si Aljur Abrenica tungkol sa isang picture na pinost ng netizen na kuha umano sa mismong labas ng kanyang kwarto.
Sa video na ibinahagi ng netizen, ipinakita niya ang view sa mismong labas ng silid ng aktres. Karugtong ng maiksing video ay nilagay ang picture na ibinahagi naman ni Aljur kamakailan lang din.
Matatandaan, inalmahan ni AJ noon ang pag-uugnay sa kanya sa nasabing aktor matapos mag post din si Aljur Abrenica ng isang picture na kung saan inihambing ng mga netizens ang background nito na pareho umano sa background din ng kwarto ni AJ Raval.
Ang background ng picture na pinost ni Aljur Abrenica at ang background ng view sa labas ni AJ Raval ay parehong-pareho nang inihambing ang dalawa ng mga netizens.
Depensa naman ng aktres na “edited” umano ang mga nakikita ng mga netizen sa social media tungkol sa videos at picture. Ito ang sabi ni AJ sa comment section.
Isa sa mga tinitingala ngayon sa telebisyon at maging sa mundo ng social media si AJ Raval. Kamakailan lang ay humakot ng samu't saring reaksyon ang kanyang inupload na video sa kanyang YouTube channel.
Sa kanyang vlog kamakailan lang na "Jojowain o Totropahin," sinabi niya kung ano ang klase ng mga lalaki na kanyang type. Ayon sa kanya, hindi raw niya type ang mga conyo guys dahil kinalalakihan niya ang mga tipo ng kanyang ama at kuya na astig at pang masa.
Nabanggit niya ang mga pangalan ng ilan sa mga sikat na aktor na sila Tony Labrusca, Marco Gumabao, Sam Concepcion, Diego Loyzaga, Ronnie Alonte at Jerome Ponce. Lahat ng mga nabanggit na pangalan ay para kay AJ, "totropahin" lang daw.
Samantalang nasa "jojowain" list ni AJ ay sila ni Jameson Blake, Axel Torres, Donny Pangilinan at Joshua Garcia.
Nang nabanggit ang pangalan ni Ronnie Alonte, inamin ni AJ na noong bandang 2016 ay nag cha-chat daw siya gamit ang kanyang Instagram account bilang fan girl.
Pero noong medyo napansin na siya ng mga tao at dumami na rin ang kanyang mga followers, agad na niyang bli-nock si Ronnie.
Ipinaliwanag naman ni AJ kung bakit niya ginawa iyon. Ang ginawa niyang pag block ay isang act daw bilang pagbibigay ng respeto sa current girlfriend ni Ronnie na si Loisa Andalio.
Sinabi ni AJ na kasama na sa kanyang memories ang kanyang pagka fan girl kay Ronnie Alonte at inamin din niya na puppy love lang daw iyon.
Si AJ Raval ay unang lumabas sa noontime show na, "It's Showtime" at magmula noon, lagi na siyang inaabangan ng mga madla. Marami na ring mga followers si AJ Raval sa kanyang mga social media accounts.
Si AJ ay isang YouTube vlogger at may sobra sa kalahating milyong subscribers na siya sa kanyang YouTube channel. Matatandaang nag viral ang kanyang video noon sa kanyang YouTube na "Carwash."
Pinainit noon ni AJ Raval matapos ang kanyang viral na viral na vlog na tungkol sa isang car wash. Pansin na pansin ang kanyang white sexy dress habang klarong klaro ang kanyang undies.
Sa kanyang vlog, makikitang nililinisan niya ang kanilang sasakyan na Ford habang suot ang kanyang napaka sexy na white dress.
Ibang video rin ni AJ ang nag trending matapos ang kanyang nag viral na sexy outfit habang naglilinis ng kanilang bahay.
Inamin naman ng ama ni AJ na si Jeric Raval na hindi niya gusto ang ipinapakita ng kanyang anak sa social media. Ngunit, suportado pa rin niya ang kanyang anak dahil alam niyang dito sasaya si AJ. At bilang ama, siya ang nagsilbing gabay ng kanyang anak sa mga ginagawa nito.
Si AJ ay unang bumida sa isang pelikula na "Death of a Girlfriend" kung saan siya ang gumanap bilang leading lady ni Diego Loyzaga.
Panoorin ang buong video dito!