Mobile Legend star na si Rene Jay tuloy-tuloy na ang pamamayagpag sa internet matapos ang bagong look na kanyang pinapakita.
Lalong pinagpiyestahan ng mga tao ang bagong look ni Rene Jay matapos lalo siyang pumogi at naging mas kaakit-akit pa ang mukha.
Kamakailan lang kasi, nabalitaan lang natin na nagpaayos siya ng kanyang ilong at ngayon ay kitang kita na ang magandang resulta.
At ngayon, mas lalo na siyang sinusubaybayan ng karamihan dahil sa kanyang naging glow up.
Maaalala, ang kanyang ilong ang siyang ugat ng paminintas ng mga tao sa kanya. At dahil na lamang nito, bumaba ang kanyang kumpyansa sa kanyang sarili.
Dahilan ito na ipaayos niya ang kanyang ilong upang magbago ang tingin sa kanya ng mga tao at madagdagan na rin ang kanyang self-esteem.
Pinagkakaguluhan ngayon sa social media ang isang dalagita na sumailalim na umano sa isang daang beses na pagpaparetoke para lang ma-achieve ang Barbie look.
Hindi maipagkakaila na maraming mga tao na ang sumailalim na rin sa pagpaparetoke dulot ng mga makabagong teknolohiya.
Marami na rin sa mga influencers sa social media ang hinihikayat pa ng lalo ang mga tao na hindi masama na magpa enhance ng kanilang mga sarili.
Kung kaya't para maging trending o sikat, nakakatulong talaga ang pagpaparetoke sa isang tao.
Tulad na lamang ng isang kinse anyos na dalagita mula sa China na mabilis na nag viral sa social media matapos ibinahagi ang kanyang bagong itsura at kung paano niya na-achieve ito.
Kinilala ang dalagita na si si Xiao Z Nana o mas sikat bilang si Little Z Nana na tawag sa kanyang ng kanyang milyon milyong followers.
Usap-usapan ngayon si Nana dahil sa kanyang murang edad ay sumailalim na siya sa humigit kumulang 100 surgeries.
Nagawa niya ito para makamit ang kanyang barbie look. Si Nana ay nag-umpisang mag paretoke nang siya ay 13 anyos pa lamang.
Makikita naman na malaking pera at panahon din ang inilaan ni Nana para makamit niya ang kanyang pinangarap na 'Barbie' look.
Ayon sa ilang ulat, nagkaroon siya ng full-face bone reduction surgery at tatlong surgeries sa bibig, anim na double eyelids surgeries, limang lateral canthoplasty procedures at dalawang facial liposuctions, tatlong body lipo, at dalawang thigh liposuctions.
Hanggang sa nakuntento na siya dahil na-achieve na niya ang kanyang barbie look.
Marami sa mga tagahanga ni Nana ang nagsasabi na baka hindi na umano matapos tapos ang pagpapagawa ni Nana sa kanyang itsura.
Hindi na bago sa atin na makarinig ng mga tao na sumailalim sa isang surgery para mas ma-enhance pa ang kanilang itsura at maging ang buong physical appearance.
Dulot na rin ng makabagong mga teknolohiya, mas napapadali ang proseso ng pagpaparetoke ng isang tao.
Ngunit kahit pa man na sumailalim na sila sa mga iba't ibang mga klase ng proseso, mas mainam na hayaan na lang ang isang tao na gawin ang mga bagay na nakakapagpasaya sa kanya.