Babaeng Nanalo ng Php 62.7 Milyon, Napanaginipan Ang Tinayang Numero!

Isang maswerteng babae ang mananaya ng Mega Lotto ang nanalo mula sa Baguio City matapos naka-jackpot nga nagkakahalagang Php 62.7 milyon sa draw noong Pebrero 18, 2022. 

Isang babae ang nanalo, ayon sa Philippine Charity Sweepstakes Office, na ayon sa kanya ay napanaginipan niya ang mga numerong kanyang tinayaan na 04-06-16-29-30-31.

Ayon sa mga sabi-sabi, kapag nakapanaginip ka ng numero sa lotto, dapat itaya mo ito dahil maaaring ito ang maswerteng numero.

Ayon sa babae, 18 taon na siyang tumataya ng Lotto at baka sakaling isang araw ay palarin na manalo ng Jackpot prize.

Nang tanungin kung ano ang kanyang plano sa perang napanalunan, pahayag niya; “Mag-i-invest ako sa isang maliit na property,” saad niya.

Ayon sa babae, ibinahagi rin niya umano ang napanalunan niya sa pamamagitan ng panamahagi sa ibang tao ang kanyang nakuhang biyaya.

Noong Enero naman ay isang lolo na taga Leyte ang naging instant milyonaryo matapos na manalo sa lotto na P142 milyong jackpot prize ng Super Lotto 6/49.

Nahulaan naman daw ni lolo ang Super Lotto winning 6/49 numbers na 02-05-04-31-01-46, na kanyang nakubra noong Enero 27 sa PCSO central office.

Si lolo naman ay regular na mananaya ng lotto sa loob ng labinlimang taon. 

Ayon sa kanya, ang kanyang napanalunan na pera ay gagamitin niya pambili ng mga ari-arian para sa kanyang mga anak. 

At para rin umano hindi mawala ang kanyang napanalunang pera, nag invest din si lolo sa isang maliit na negosyo at sarili na ring Lotto outlet.

Kamakailan naman ay inulat ng PCSO na tatlo sa mga tumama sa mga lotto draw ay hindi pa nakukuha ang kanilang premyo hanggang ngayon na may kabuuang P98 milyon sa magkakahiwalay na draw.

Dalawa sa mga tinutukoy ay ang nanalo noong Hulyo 2021 pa. Kaya nananawagan ang ahensiya na kunin ito ng mga bettors hanggang sa Hulyo 26 lamang.

Kapag hindi ito makuha ng nasabing petsa, maaaring ma-forfeit ang napanalunang malaking halaga.

Samantala, nilinaw naman ni Arnel Casas, PCSO officer-in-charge, General Manager, at Assistant Manager ng Management Services Sector, na hindi maaaring i-claim ang premyo kung nawala ang winning tickets.

Panoorin ang buong video dito!

Post a Comment

Previous Post Next Post