NAGKABALIKAN NA! Ruffa Gutierrez at Yilmaz, Nagkamabutihan Nang Muli!

Panibagong usap-usapan na naman ngayon sa social media ang nag viral tungkol sa nagkabalikan na umano si Ruffa Gutierrez at Yilmaz Bektas.

Sa panayam kay Yilmaz, kinumpirma nito ang balita na nagkabalikan na sila ni Ruffa.

Gusto ni Yilmaz na magbakasyon sa Cebu City, kasama ang kanyang asawa at mga anak.

Sinabi rin ni Yilmaz sa mga reporters na nag-abang sa airport na kabilang sa plano niya ang permanenteng paninirahan nila ng kanyang pamilya sa Spain dahil ayaw na ni Ruffa na bumalik sa Istanbul, Turkey.

Mula sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA), dumiretso si Yilmaz Bektas sa Shangri-La Hotel sa Makati City. Dito siya mamamalagi ng sampung araw.

Dumating ng 4:59 PM kahapon si Yilmaz para dalawin ang asawang si Ruffa Gutierrez at ang kanilang mga anak na sina Lorin at Venice.

Matatandaan, si Ruffa ang nagbahagi ng video ng pagkikita nila ni Yilmaz at ng kanyang mga anak sa social media.

"The greatest love story of all time is between a father and his daughters. A beautiful and heart-warming reunion after 15 years of being apart, ani pa ni Ruffa.

Hindi lingid sa kaalaman ng publikon na hindi naging maayos ang paghihiwalay nila ni Ruffa at Yilmaz.

Dumating pa sa puntong sinabi ni Ruffa na binubugbog diumano siya ni Yilmaz at nabunyag ang unang pagpapaksal ng actress-TV host sa isang nagngangalang Richard Daloia.


Matatandaang pagkatapos i-announce ni Ruffa ang paghihiwalay nila ni Yilmaz, naging parang teleserye ang mga sumunod na pangyayari. Nandiyang magpalitan ng mga akusasyon at masasakit na salita.

Narito ang mga komento ng mga netizen tungkol sa kumpirmasyong nagkabalikan na si Ruffa at Yilmaz:

"Sana magkabalikan sila iba nuon iba ngayon, syimpre matured na sila at good looking couple sila at ang cute niya sobra. Please update nyo naman para masaya ako and thank you very much. Mabuhay po sila."

"Ruffa is a strong and an independent woman, may taste sya para irespeto ang sarili, meron ngang iba dyan kumakapit sa patalim bilang kabit, hindi na nahiya."

"Aww...love talaga nila ang isat isa kaso magka iba kase sila ng culture and showbiz limelight kills Yilmaz. But they love each other and the kids love their parents as well. Sana magka balikan na lang sila. Looking forward to it.😍"

Panoorin ang buong video dito!

Post a Comment

Previous Post Next Post