Naalala n'yo pa ba ang babaeng ito na sumikat dahil sa kanyang mga larawan na ginagawang memes? Dahil sa kanyang mga kumakalat na larawan, binansagan siyang Miss Nene.
Ngunit, nasa'n na nga ba ang binansagang Miss Nene? Ano nga ba ang mga naging reaksyon niya nung kumalat ang kanyang mga larawan?
Kung gusto mong malaman ang mga nakakagulat na detalye at rebelasyon, patuloy ka lang tumutok sa video na it hanggang sa dulo.
Dito sa Pilipinas, hindi na bago ang sulputan ng mga memes tuwing may nagte-trending o may bagong ganap na nakakatuwa.
Ilan lamang sa mga kumalat na memes ay sa ginawang memes na ito para sa isang mister na sumikat dahil sa kanyang, "paano mo nasabi?"
Ngunit, tila nakakalimutan natin na sa tuwing may kumakalat memes online, ay mga tao ring nasasaktan at nade-depress online.
Siya si Mariel Ann Villegas, siya ang nasa litrato na nag viral noong 2015. Dahil sa isang larawan, nagkalat online ang kanyang samu't saring memes.
Ang litrato umano na kumalat na ginawan ng memes ng marami ay kuha pa umano noong 2010 at kuha yun matapos silang mag ensayo para sa kanilang theater play.
Inamin ni Mariel na labis siyang nasaktan sa kumalat na memes, ngunit napagtanto niya na hindi na niya lang iindiin ang kanyang naramdaman.
Dahil sa kanyang pag viral noon, na-feature din siya ng programa ng GMA na Kapuso Mo Jessica Soho (KMJS).
Ayon sa panayam ng KMJS sa kanya, wala umanong karapatan ang mga tao na manghusga sa kanilang kapwa tao.
Buti na lamang matapang at positibong tao si Miss Nene sa totoong buhay. Nalampasan niya ang mga panlalait na ito mula sa mga kapwa niya tao.
Marami rin ang napagdaanan na rin ang napagdaanan ni Mariel. Gaya na lamang sa sumikat na si Marlou Arizala o mas kilala bilang Xander Ford.
Nagpabago di umano ng kanyang anyo para hindi na siya laitin ng mga tao at magbago na rin umano ang kanyang buhay.
Si Miss Nene ay hindi lamang matapang kundi matalino rin. Si Miss Nene ay isang consistent honor student elementary at salutatorian noong high school.
At noong nag kolehiyo na siya, iskolar si Miss Nene at kinuha ang kursong BS Secondary Major in English.
At ngayon ito na si Mariel Ann Villegas, a.k.a Miss Nene. Nakapagtapos na ng pag-aaral at nakapagtapos na siya ng trabaho.
Ngayon rin, masaya na rin si Miss Nene sa kanyang sariling pamilya. Ang dating nasa meme noon ay isa ng ganap na ina at asawa ngayon sa totoong buhay.
Panoorin ang buong video dito!